Friday, June 17, 2016

Pamparegla at iba pa

Noong bata pa ako, lagi kaming nagpupunta sa Quiapo ng pamilya ko upang mamili ng kung ano-ano. Noon pa ay nakakakita na ako ng pamparegla at nagiisip, ano kaya iyon? Dati, sa kahit saang bangketa ay makakakita ka noon kasama ng iba pang mga herbal na inumin, at mga kung ano-anong dahon dahon.

Makalipas ang maraming taon, di ko akalain na minsan ko din palang uminom ng “pamparegla”. Ako ay nagdalang tao ngunit di pa ako handa kaya naman naisip ko subukan ang inumin na nabanggit ko.


Nagpunta ako sa Quiapo upang maghanap nito. Ayon sa mga nabasa ko sa internet ay dun na lang malapit sa simbahan nakakabili nito kaya’t doon ako nagtungo. Pagbaba ko ng LRT Carriedo station, tinahak ko ang kalye patungo sa simbahan.Matagal na din akong hindi nakakapunta dun. Samu’t saring tindahan at tiangge-an ang nadaanan ko, mga nagtitinda ng damit, memory cards, pagkain, prutas at iba pa. Sa dulo ng kalye (Carriedo ata iyon), sa bukana na pasimbahan ay doon ko nakita ang mga nagtitinda ng mga herbal drinks. Lumapit ako sa isang matandang babae na nagtitinda at tinanong ko, “magkano po itong pamparegla?” Marami pa akong ibang itinanong tulad ng, “epektib po ba ito?” “ito po ba iyong para sa mga irregular?” para mapagtakpan ang tunay kong layunin. Syempre sagot naman si nanay ng “oo naman” at sinabi pa nyang pagkatapos ko daw ito maubos lagyan ko daw ng shoktong yung bote kasi sayang daw.


Nagbayad ako ng p180 at sabi nya sa akin kung paano ba inumin iyon. Dapat daw ay walang laman ang tiyan at bawal daw ang maasim. Uminom ng 1/3 cup bago kumain. Matapos n’yang sabihin iyon ay binalot n’ya ang bote sa diyaryo at sa dalawang supot na pula. Dali-dali naman na tinago ko sa bag ko ang binili ko sa takot na bigla may raid at mahulihan ako na may hawak na ganun.


Kasunod na araw ay ininom ko na ang pamparegla paggising ko. Pangit yung lasa. Damang dama ng iinom nito na kung ano-anong dahon at kahou-kahoy yung nakahalo dun. Tinuloy ko ang pag-inom nito hanggang maubos ko. Dalawang araw lang pala yung isang bote. Pagkatapos ko itong inumin ay naghintay ako ng isang linggo. Ngunit… WALA. WALANG NANGYARI. WALA kahit anong reaksyon katawan ko.


Di ko na inalam kung bakit ganun yung nangyari (o hindi nangyari), di ko na din binalikan si ateng nabilhan ko nung pamparegla. Basta ang masasabi ko lang, sa mga nagbabalak dyan, wag na ninyo sayangin oras at pera n’yo sa pagbili ng inumin na iyon. Sa huli e yung misopristol din kinabagsakan ko. mas mahal s’ya pero epektibo naman talaga. Dalawang ako uminom nun. Yung una sa Quiapo ko din nabili, mura nga pero WALA din nangyari..


Kaya naghanap na lang ako nung nagbebenta online, yung galing daw mismo sa medrep yung tinda. Mas mahal nga pero sigurado na gumagana.. Kung nais n’yo ito subukan ay dun kayo bumili, wag sa Quiapo at talamak na din ang mga manloloko dun..



P.S. Kaya ko sinulat ang post na ito ay para makatulong sa mga kapwa ko na nais sumubok ng mga iba-ibang paraan ng pampa******. At ito din ay para mailabas ko ang galit ko sa mga hindi gumana na pamparegla at gamot na nabili ko.